top of page

Repleksyon

ni: Joan B. Penaranda

 

Ang pagtahak sa mundo ng pagtuturo ay tila isang pananaliksik, may mga suliraning kakaharapin na dapat mong tuklasin at bigyang kasagutan upang mas maging mahusay pa at kapakipakinabang ang mga karanasan at karunungang natamo mula sa pagiging mag-aaral tungo sa isang katangi-tangi at epektibong guro.

Sa loob ng halos 3 buwan ng Pagsasanay sa Pagtuturo sa Binobong High School, Pili, Camarines Sur ay “Katatagan, Diskarte, Karunungan at Katalinuhan higit sa pakikisalamuha sa kapwa guro at mag-aaral”, mga salitang aking mas natutuhan, napalawak at mas napagtibay sa pagtuturo sa mga mag-aaral at sa tulong na rin ng walang sawang gabay at suportang inilaan ng aking Cooperating Teacher. Bagaman may mga pagkakataong nakararanas ng hirap, ilan na nga lamang rito ang  pagkakaroon ng “friendly approach” na palaging suhesyon sa akin ng aking CT at ang iwasan ang hindi masyadong maging istrikto sa loob ng silid, at kapag sobrang ingay na ng klase ang di maiwasang pagtaas ng kilay na maaaring katakutan, kainisan ng mag-aaral at magdulot ito ng kawalan ng kanilang atensyon sa talakayan, ang hindi na matamo ng mag-aaral ang nararapat na kaalaman subalit ito’y nalagpasan rin naman dahil Ika nga “the struggle you’re in today is developing the strength you need for tomorrow” kung kaya’t iyon ay nagsilbing aral sa akin bilang tagapagsanay na guro na kung anuman ang hirap na dinanas ngayon ay siya namang magiging instrumento tungo sa pag-unlad ng aking kalakasan na kinakailangan sa mga susunod na araw bilang isang matibay at epektibong guro . Mga suliraning kinaharap na aking tinuklas at ginalugad ang isip para sa angkop at nararapat na solusyon.

Taos puso ang aking pasasalamat sa butihing dekana, mga guro at mag-aaral  ng Binobong High School higit sa aking tagapayo bilang kanyang tagapagsanay na guro na mula pa sa Central Bicol State University of Agriculture, College of Development Education na nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino.

Maraming Salamat!

 

Joan B. Peñaranda

BSE 4E

© 2016 by Binobong High School. Proudly created with Wix.com

  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • YouTube Long Shadow
bottom of page